Post date: Apr 03, 2017 8:38:10 AM
(tula ni:
Jericho M.Cruz
ng San Jose Learning Center)
Ako ay may kaibigan palaging maasahan
sa pighati at kabiguan
pati rin sa kasiyahan
Hindi nagpaplastikan
tulong tulong kahit saan
minsan may tampuhan
pero palagi pa ring nagmamahalan
Ang ugali man ay iba-iba
naiintindihan pa rin nag bawat isa
parehas ang pagtrato sa lahat
walang especial at mas angat pa
Gagabayan ka sa tama at
hindi hahayaang mapasama
Itutuwid ang pagkakamali
masaktan ka man o hindi