Post date: Apr 07, 2017 8:37:46 AM
(JERLEY M. FERNANDO-ALS Learner of Brgy. Sibacan)
Tama lang ang ginagawang programa ng ating Pangulong Rodrigo ( Digong ) Duterte
laban sa illegal na droga na sumira at sumisira pa sa maraming buhay ng mga Filipino. Mahigpit
na ipinatutupad sa buong bansa ang ang paggamit , pag-aangkat ,o paggawa ng droga dito sa
Pilipinas. Hindi na mabilang ang mga namatay o napatay dahil sa paggamit o pagbebenta ng
ipinagbabawal na gamut.
Ang shabu, marijuana at iba pang uri ng mga pinagbabawal na gamot o droga ay
nakakasira sa pamumuhay ng isang tao. Malaki ang nagiging epekto sa buhay mo pag natikman
mo and droga. Una, pagnalulong ka na sa gamot apektado ang iyong pag-iisip na siyang
magbubunsod sa iyo na gumawa ng mga bagay na hindi tama gaya ng pagsisinungaling,
pagnanakaw, at pananakit sa pamilya. Pati ang kalusugan mo ay napapabayaan. Naroong pati
kapamilya mo ay hindi mo na nakikilala at di na rin ginagalang. Marami ng pamilya ang nasira
dahil sa impluwensya ng droga.Mayroon ngang sariling anak ginagahasa dahil sa tama ng droga.
Nasaan ang moralidad at katinuan ng isip ng taong lulong sa droga?
Kailan pa tayo magigising at mamumulat sa katotohanang ,walang buting maidudulot
sa ating isip at katawan ang bawal na gamot? “SAY NO TO DRUGS” slogang nagsasabing droga ay
iwasan at huwag subukan.
Isipin na lang natin kung ano ba ang naitutulong ng droga sa ating buhay, hindi ba’t
wala naman? Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay isang malaking kamalian na iyong
pagsisisihan sa huli. May kasabihan nga tayo na “Droga ay iwasan, upang buhay ay gumanda”.
Sana kung isa ka sa biktima ng bawal na gamot ay hindi pa huli upang umiiwas o
kalimutan ang bagay na ito.Magsimula kang harapin ang buhay na maganda at masaya kasama
ang pamilya.