Post date: Apr 07, 2017 8:49:33 AM
(ni Alvina Nueva ng Central Learning Center)
Ang Alternative Learning System (ALS) ay programang tumutulong sa mga nais ipagpatuloy ang pag-aaral, tulad na lamang ng maagang nakapag-asawa, na hindi makapag-aral sa pormal na iskwelahan na araw-araw ang pasok. Ang ALS din ang alternatibong paraan upang makatapos o maipagpatuloy an nahintong pag-aaral ng hindi kailangan magbuno ng ilang taon upang makapagtapos ng elementary at lagpas na sa hustong gulang na makapag-aaral ng elemntarya, gayon din naman sa mga sekondarya. Higit sa lahat ang ALS ang naglalaan ng oras sa mga mag-aaral na malalayo ang lugar at walang pamasahe upang maturuan. Ang magandang dulot ng ALS sa akin ay natuto ako ng mga aralin na nakalimutan ko na noong elementary at ma aralin angkop sa isang mag-aaral ng sekondarya. Maganda rin ang dulot nito sa akin lalo na sa mga tulad kong pamilyado na nais maipagpatuloy ang pag-aaral. Sa tulong ng ALS nakapag-aaral ako ng hindi ko napapabayaan ang tungkulin ko sa aking anak at asawa. Sa tulong din ng ALS natututo ako ng mga skill’s na libreng training ng TESDA. Sa tulong ng ALS, sa kasalukuyan ako ay may katibayang nakatapos ng TESDA na alam kong malaking tulong ito sa paghahanap ko ng trabaho sa hinaharap. Sa pamamagitan ng ALS nagging positibo ako na hindi pa huli ang lahat upang matupad ko ang aking mga pangarap.
Napag isip-isip ko na napakahalaga talaga ng edukasyon o may pinag-aralan, kung kayat ngayon sa mga kabataang nakkasalamuha ko ipinapayo ko na napakahalaga talaga na nakatapos ng pag-aaral at mag-aral ng mabuti upang hindi magsisi sa huli. Bagamat may programang ALS na handing tumulong o humaligi sa mga taong nahihinto sa pag-aaral ay hindi nila hinihikayat na huminto o ayos lang na humuinto sa pag-aaral. Napakasarap pa rin ang nag-aaral ng pormal pumapasok araw-araw at natutunan ko na pag napagbigyan ka ng pagkakataon huwag itong hayaang palampasin at ang pagkakataong ito na minsan lamang darating sa abuhay natin, atin itong bigyang halaga.