Post date: Apr 07, 2017 8:42:3 AM
(MARY JOY OCAMPO ALS Learner of Brgy. T. Camacho)
Pamilya ang unang samahan sa lipunan na bumubuo sa pamayanan. May kasabihan na anu’t anuman ang mangyari o dumating na problema sa pamilya pa rin ang takbuhin natin. Ang pamilya ang karamay at gabay natin sa lahat ng bagay. Ang layunin natin upang mapaunlad ang isang pamilya ay mag-isip mabuti o magplano para sa ikagaganda ng iyong bubuuing pamilya. Kailangan ang pamilya ay nagmamahalan, nagkakaisa, nag- uunawaan at nagsusunuran para maging masaya. May kasabihan nga tayo na ang pagbuo ng isang pamilya ay hindi parang kanin na mainit na pag napaso ka ay iyong iluluwa. Hindi laro ang buhay dapat ding isa-isip ang katatagan ng ating pamilya sa pagsubok na darating sa atin.
Imulat natin ang bawat member ng pamilya ng maayos ,kapaki-pakinabanat karamay sa lahat ng bagay. Hindi lang sa ama, sa ina o sa nakatatandang kapamilya inaaasa ang kabuhayan o pangangailangan sa araw-araw. Atasan ang bawat isa ng kani-kanilang tungkulin upang gumaan ang bawat gawain.Bawat membro ng pamilya ay may kani-kanyang obligasyon para sa ikauunlad ng mag-anak.
Magtatrabaho ng marangal para paghanda ka nang bumuo ng isang maganda at masayang pamilya ay hindi ka na mahihirapan pa sa pagsisimula ng buhay. Mag-ipon para sa mga maaaring dumating na gastusin at iba pang mga problema na dadaan at susubok sa ating katatagan. May kasabihan na daig na ng maagap ang masipag. Sana maging aral ito sa ating lahat na huwag kang susubo sa alam mong wala namang kasiguraduhan. Mas magandang pinagpaplanuhan at pinag-iisipan muna ng mabuti para sa huli ay hindi ka magsisi. Ang tungkulin ay tungkulin na dapat nating gampanan at hindi talikuran o takbuhan upang ang ating pamilya ay mamuhay ng maganda, maunlad , masagana, masaya at mapayapang sama-sama.