Jaimark D. Diego
Post date: Apr 07, 2017 5:31:48 AM
Ako po si Jaimark D. Diego sa edad na 26 at nakatira sa sta.rosa Pilar Bataan. Na nagging estudyante ni Mr. Michael Reyes sa Alternative Learning System sa taong 2013. Malaking tulong po ang nagawa sa aking ng ALS dahil po ditto nakikita ko na po ang kinabukasan ng aking pamilya dahil meron po ako anak at asawa. Kung wala po ang ALS hindi po ako makakarating ng kolehiyo.
Sa kasalukuyan po ako ngayon ay 2nd year College sa Bataan Peninsula State University sa kursong Bachelor of Science in Computer Science Major in Software Development. Malaking tulong po ang nagawa ng pag tatapos ko sa ALS at madami po akong natutunan na kaalaman na maipag mamalaki sa level ng isang kolehiyo.. Nagpapasalamat din po ako sa aking naging guro na si Sir.Mike at siya po ang nag tulak sakin upang mag balik loob sa pag aaral gamit po ang ALS. Dalawang taon na lang at makakamit ko na po ang inaasam ko na tagumpay sa pag aaral at makaka kita ng isang disenteng hanap-buhay para sakin pamilya.
Dahil dito magagamit ko ang kaalaman na naituro sakin ng ALS at may pag- asang maka ginhawa kami ng pamilya ko sa buhay. Upang maging marunong sa buhay ang ALS po ay nagbibigay ng kaalaman,kasiyahan at isang pagiging maayos na mamayanan.. lahat po ay naituro sakin ito noong pumasok ako ng ALS. Ang pag pasok ko sa ALS ay nagging isang magandang tulong sakin upang makapagtapos sa level ng high school at makapasok sa College.
Sa ngayon ako ay isang estudyante na mangaral at kayang makipagsabyan sa mga naktutong ng high school ng dahil pos a ALS nag papasalamt po ako ng malaki at nakapag bigay po sa akin ng maraming kaalaman at ma ituturo ko din sa aking anak lahat ng natutunan ko sa ALS.Nagpapasalamat po aq sa aking guro at sa ating gobyerno dahil po kung wala ang ALS hindi ko nap o matutupad ang aking pangarap na makapagtapos