JAYSON V. TIBANGIN

Post date: Apr 10, 2017 12:28:56 AM

Paano nga ba nagging maayos ang buhay ko sa tulong ng ALS? Dati-rati wala akong direksiyon sa buhay dahil ako ay nagtatrabaho lamang sa palengke bilang isang taga-buhat ng mga sako-sakong bigas at kung anu-anong tinitinda ng aking amo. Ang pagiging kargador lang naman ang pupwede kong maging trabaho ditto sa Balanga, dahil hindi naman ako na kapagtapos ng pag-aaral sa HighSchool. Dahil sahirap ng buhay naki pagsapalaran ako dito sa Balanga para magtrabaho, at magkaroon ng maibibigay sa aking mga magulang at matustusan ang pag-aaral ng mga nakababata kong mga kapatid. Minsan may bagong pasok sa amin na kargador din at kasing edad ko, ngunit ang pakiusap nya sa aming amo ay kung maaari tuwing araw ng Martes ay hindi siya papasok sa trabaho dahil siya daw ay nag-aaral. Sa kagustuhan kong makatapos din ng aking pag-aaral tinanong ko siya kung maari ba akong sumama sa kanya para makapag-aral din at makatapos ng highschool. Sa tulong niya pinakiklala niya ako sa guro nila at ipinasok ako bilang learner din ng Alternative Learning System (ALS). Sa umpisa nahihiya ako dahil huli na ako sa klase at magkakakilala na ang mga nagsisipag-aral sa pinapasukan naming learning center sa Cataning. Pero dahil na din sa guro naming nasi Ma’am Marygold at mga kaklase ko nalagpasan ko ang pagiging mahiyain sakanila sa tuwing papasok ako. Sa una mahirap talaga pero sasuporta at tiyaga ni ma’am nakayako ang lahat. Kaya noong pumasa ako sa Aand E test ay sobrang saya ko at nagkaroon ako ng lakas ng loob na pumasok naman sa TESDA at kumuha ng kursong welder.

Ilang buwan din ang inantay ko noon para makapagsimula ng pag-aaral sa TESDA dahil hindi biro para sa akin ang aking pagdadaanan at nagpaalam pa ako sa aking amo napapasok ako sa TESDA. Kaya noong magsisimula na ako sa TESDA sabi sa aking amo ko ay pagbutihan ko daw at simula na ito ng pagbabago ng aking magandang buhay. Dahil sa suporta ng mga taong nakapaligid sa akin ay natapos ko ang pag-aaral ko bilang isang welder. Masaya pala sa pakiramdam ang makapagtapos kahit sa simpleng paraan. Napatunayan ko sa aking sarili na kaya ko palang matapos ang aking pag-aaral ng hindi kailangan ng malaking pera. Isa din sa aking napatunayan na ang buhay kahit mahirap hindi ito hadlang para matupad ko ang aking pangarap. Gaya ko dating napariwala at nawalan ng direksiyon ang buhay ay pinilit ko at kinaya ko para na din sa aking pamilya at magiging pamilya. Kaya ngayon maipagmamalaki ko na din sa aking sarili na kaya ko din pala basta may mga taong naka suporta sa akin at mga taong handang umintindi at tumulong sa akin.

Isang pasasalamat ang maibibigay ko sa Aternative Learning System dahil sa inyo, ito ako ngayon nakatapos, may diploma, at higit salahat may ipagmamalaki. Akonga po pala si Jayson V. Tibangin isang kabataan na nakatapos ng pag-aaral mula sa ALS at ito ay aking ipinagmamalaki.