Jevine S. Umahon
Post date: Jan 23, 2011 10:7:37 AM
Ang edukasyon ay isang kayamanan na kaylanman ay hindi maaagaw o mananakaw sinuman. Ito ang tanging susi tungo sa isang magandang kinabukasan upang matamo ang ating minimithing mga pangarap sa buhay upang maging matagumpay.
Ako si Jevine S. Umahon 17 taong gulang nakatira sa Cupang, Balanga City. Nag-aral ako sa Brgy. Cupang West, nakapasa noong June 12, 2008. Nakapagtapos sa Alternative Learning System noong October 23, 2008.
Bago pa man ako pumasok sa ALS nakapag-aral ako sa mga private school. Pinag-aral ako ng tito ko sa isang unibersidad sa Manila (PCU). Maayos naman an gaming pamumuhay doon. Ngunit bumalik pa rin kami dito sa Bataan at ditto ako nagpatuloy ng pag-aaral sa pribadong paaralan kasama ang aking kapatid. Maayos pa rin an gaming pamumuhay dahil natutulungan pa rin kami ng tito ko. Ngunit mula ng magkasakit siya hindi na niya natuloy ang pagpapa-aral sa akin. Hindi na ganun kayos ang naging pamumuhay naming. Apat kaming nag-aaral at nasa pribado pa kaming dalawa ng kapatid ko kaya hindi naging madali at nagkaproblema na kami sa financial kaya kinakailangan naming dalawang magkapatid na huminto sa pag-aaral sa private school. Naging mahirap ang paglipat namin sa ibang school hanggang sa huminto na kami sa pag-aaral. Nabalitaan ko na may pulong sa Barangay Hall tungkol sa mga kabataang gustong makapagpatuloy ng pag-aaral ng libre. Pumasok ako dito at nanguha ng pagsusulit noong June 12, 2008 at isa ako sa pinalad na makapasa sa pagsusulit at ako ay nakapagtapos sa sekondarya.
Ng ako ay makapagtapos sa ALS nakapagtrabaho agad ako sa MICROHMS bilang saleslady para makipon ng pampaaral sa kolehiyo. Noong una ay hindi naging sapat ang naipon ko para makapag-aral dahil kinakailangan kong tulungan ang aking kapatid sa kanyang pag-aaral upang makatapos din siya. Hanggang sa kasalukuyan ako ay nagtatrabaho pa rin sa MICROHMS. Nakakuha na ako ng pagsusulit sa BPSU at naghihintay ng resulta. Sana makapasa at makapasok na ako ngayong darating na pasukan.
Muli maraming salamat sa Alternative Learning System sa tulong na nagagawa sa mga out-of-school youth na mabigyan ng panibagong pag-asa sa buhay.
JEVINE S. UMAHON