Jose ( Jun ) Cortez Jimenez

Post date: Apr 10, 2017 2:34:55 AM

Taong 2004 nang magsimula akong magtayo ng isang maliit na negosyo. Dahil ako’y pamilyadong tao kaya binigyan ko ng pansin ang aking hanapbuhay.

Katuwang ang aking maybahay ay napatatag naming ang aming munting negosyo.

Wala sa loob ko na maiisipang ko pang mag-aral sa ALS dahil katwiran ko mayron na kaming inaasahang pang-araw-araw na pangangailangan sa buhay. Nakatapos lang po ako ng 3rd year haiskul . Sa matiyagang panghihimok ni Mam Susan Baluyot ako po kasama ang isa ko pang tauhan ay pumasok din sa ALS. Halos kasabay din po nito ay nag-aral din ako sa Tesda ng Dental Technology at doon ay nakatanggap ako ng NC II. Hindi po ako tumigil kahit magbalikan ako paroo’t parito sa Tesda Manila. At hindi po ako nagkamali dahil kasabay ng graduation sa ALS ako po ay nasa Tesda Manila upang muling tumanggap ng NC IV na katibayang pwede na akong magkaroon ng sariling Dental Laboratory. Kung gugustuhin ay pwede rin po akong magturo sa iba.

Nakapagpundar po ako ng bahay at lupa, kasunod ng kotse at van for rent bunga ng pananalig sa Poong Maykapal at sa tiyaga at pagtitiwala sa sarili.

Malaking tulong ang ALS para sa mga kabataang hindi nakatapos ng pag-aaral upang mapasa sa haiskul at makatanggap ng diploma. Sabi nga, sa ALS ay may pag-asa, may kinabukasang naghihintay.

Patuloy lang po tayong magsumikap at abutin ang ating mga minimithing pangarap sa buhay.

Ako po si Jose ( Jun ) Cortez Jimenez, isang simpleng taong naghangad ng maayos at makabuluhang buhay na ipinagkaloob sa aking ng dakilang Maykapal.