SUCCESS STORIIES
Pinag-aralan ang pinakamahalagang katangiang dapat taglayin ng isang tao. Kapag ikaw ay may natapos at may magandang hanap-buhay mataas ang pagkakakilala sa iyo.
Ako po si Rogelio Luna, dalawampu’t-dalawang taong gulang at nasa ikalawang taon ng kolehiyo. Nahinto ako sa pag-aaral noong nasa ikalawang taon ng mataas na paaralan. Nabarkada ako at nalulong sa sabong. Sa kabila ng pakiusap at pangaral ng aking mga magulang at kapatid na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral , binalewala ko iyon. Hanggang sa isang araw nakakilala ako ng isang babae na nagpabago sa akin. May mataas siyang pinag-aralan. Niligawan ko siya at nagkaroon kami ng relasyon. Siya ang humimok sa akin na ipagpatuloy ko ang aking pag-aaral upang hindi naman daw ako maging alangan sa kanya. Hanggang sa malaman ko ang tungkol sa pag-aaral sa ALS. Dahil mahal ko siya agad akong nakipag-ugnayan kay Gng. Hermenia R. Madrid na siya naming naging guro. Pinagbuti ko ang aking pag-aaral dahil sa aking inspirasyon. Hanggang sa sumapit ang pagsusulit namin sa A & E Test noong ika – 17 ng Pebrero 2008, at pinalad ako na makapasa. Tuwang-tuwa ako dahil makakapasok na ako sa kolehiyo. Agad akong nag-enrol sa STI at kumuha ng kursong Computer Technology. Sa darating na Abril 14, 2010 ay magtatapos ako ng 2-year course ngunit ipagpapatuloy ko pa rin ito ng Computer Engineering sa BPSU. Masayang-masaya ang aking pamilya at kasintahan.
Sa mga katulad ko na akala ay wala nang pag-asa na makatapos ng pag-aaral dahil sa barkada at bisyo, nagkakamali kayo. Nawa’y magsilbi akong inspirasyon sa mga kabataan na maghangad ng magandang bukas.
ROGELIO LUNA