ROGER D. LACSINA- 2010 A&E PASSER
Post date: Apr 05, 2017 7:58:41 AM
GLORY to GOD
It’s been a long walk since I’m dreaming of dreams, but I’m still dreaming a lot. Well, hindi naman bawal ang mangarap as long as we determined to reach our goals in life. The important is we have the courage, perseverance and patient to wait until the Lord gave our dreams to us.
Hi , I’m Roger D. Lacsina, graduate in Alternative Learning System (ALS) and took secondary level. Ang ALS ang pag-asang ibinigay sa akin ng Panginoon.
Hindi ako nakapagtapos ng aking pag-aaral sa sekondarya because of the absence of my birth certificate.Sampung taon nahinto ng aking pag-aaral. Dahil sa kakapusan sa pinansyal, natuto akong makipagsapalaran sa buhay. Namasukan sa mga tindahan upang makatulong sa pangangailangan ng aking pamilya.Sa pakikipagsapalaran kong iyon, natuttunan ko ang mga praktikal na pamamaraan sa buhay. Ginawa kong makabuluhan ang sampung taon na pagtigil ko sa pag-aaral.
Sadya pa lang ang ating mga pangarap ay gagawa ng daan upang ito’y mabigyan ng katuparan. I’am very much grateful and thankful sa mga taong ginamit ni Lord. Nalaman ko na may programa ang DepEd ng libreng pag-aaral sa mga tulad kong hindi nabigyan ng pagkakataong makapag-aral. Year 2009 nung sinubukan ko na pumasok sa ALS pero hindi ako nagsucceed dahil ang araw ng pasok ay araw at oras ng aking trabaho. Hindi ko magawang lumiban dahil ito ang aking kailangan upang matugunan an gaming pangangailangan. That time I feel so bad and frustrated dahil sabi ko sa aking sarili wala na yatang paraan upang ako’y makatapos ng aking pag-aaral.
Year 2010, sobrang bait talaga ni Lord, He continue use people. Dumating si Ma’am Dyren Cruz (guro sa ALS). Siya ang tumulong sa akin upang matupad ko ang pagkamit ko sa mga naudlot kong mga pangarap. She gave me take home activities, assignments and etc. para makapag-aral lang ako. Sadya kasing parang pinagtitiyap ng pagkakataon. Dahil nang mga panahong iyon ay namamasukan muli ako sa isang tindahan dito sa Balanga.
Time goes by so fast, hindi ko namalayan A&E Test na pala. I’m so nervous that time. Araw-araw dasal ako nang dasal na sana maipasa ko ang naturang pagsusulit.
Isang araw, nakatanggap ako ng mensahe galing kay Ma’am Dyren, laking tuwa ko ng sinabi niya na ako ay isa sa nakapasa. Walang pagsiglan ang aking nadamang kaligayahan noong araw na iyon. Ito na ang magiging unang hakbang ko upang matupad ko ang matagal ko ng pinapangarap – ang makapagtapos ng aking pag-aaral.
“Education is the key to success” and I agree to that, I pursue my dream to finish finished my college level. I enrolled in Bataan Peninsula State University (BPSU)and took Industrial Technology Major in Food Technology. Hirap man physically, emotionally at financially, ginawa ko ang lahat kahit dumating ako sa punto na gusto ko ng mag give up. Salamat pa rin sa Diyos, dahil nagawa kong tatagan at piloting maabot ang aking pangarap.
The journey of my life has a purpose, I’m so much lucky because there supportive friends and loving family who always there to support and inspire me to pursue whatever dreams I have. This coming April 14, 2015, I belong to batch 2015 that will be graduated this year. I’m going to accept my diploma, the fruit of my success, the key to my success in the near future.
Don’t stop dreaming. Trust to yourself that we can make it. And above all, don’t forget to ask guidance in the Lord who grants all our wishes. - 2010 A&E PASSER