Post date: Apr 06, 2017 8:5:33 AM
(Ni G. MICHAEL C. REYES
ALS Mobile Teacher)
Sa umaga ay kailangan kong gumising ng maaga
Kahit tulog pa ang mga anak ko ay handa na
Iiwanan ko na naman sila sa bahay na hindi ako kasama
Dahil buong araw ako ay laging nasa eskwela
Pagdating naming sa apat na sulok na ng barangay
Hatid naming ang maraming kaalaman
Upang utak ng mga learners ay punan
At balang araw ay kanilang mapakinabangan
Inihahandang pagod ay aking titiisin
Lalo na sa mga ulong tigasin
Ang kanilang mga gawi ay kailangang punahin
Oras ng pagtuturo ay mas mahaba
Kesa sa mga anak ko na dapat ako ang mag-alaga
Kulang ang oras ng pag-aaruga
Kaya minsan may oras akong napapaluha
Maghapong magsaalita sa unahan
Tapos minsan mga learners mo ay nagdadaldalan
Minsan magagalit pa kapag pinagalitan
Ang gusto nila ay sila ang pakinggan
Pagtuturo ko ay kailangan kong husayan
dahil hindi nila maabot ang pangarap kung hindi gagalingan
Kung paano ang isipian nyo ay aming huhubugin
Guro ang siyang pangalawang ina/ama
Titiising mawalay sa kanyang pamilya
Magabayan lang kayo at maituwid ang baluktot na linya
At huwag ninyong ubusin an aming pasensya
Kaya lahat ng guro ay kailangang irepesto
dahil sa kanila tayo unang natuto
Kung paano magbasa, magsulat at pati sa pagluto
Kaya sa lahat ng kapwa ko guro, ako ay SALUDO