Post date: Apr 13, 2018 12:4:8 AM
Bata pa lamang ako ay humarap na sa maraming hamon ng buhay, panganay sa walong magkakapatid at nakagisnan kona ang kahirapan ng buhay dahil sa nakikisaka lamang ang aking ama at hindi sapat ang ani dahil pinapambayad lang sa mga utang, sa murang edad dama ko ang hirap hanggang sa pag-aaral. Naalala ko noon na kinakailangan naming tumakbo sa pagpasok at pag-uwi dahil ang aming paaralan ay nasa kabilang bayan pa. Tinitiis ang sakit ng pagtapak sa kalsada na graba dahil walang pambili ng tsinelas. Ang bag na ginagamit naming ay net bag kaya madalas nawawala ang lapis. Kapag umuulan naman ay nababasa lahat ng gamit namin dahil hindi sapat ang dahon ng gabi at dahon ng saging na ginagawa naming payong. Madalas ding absent sa klase dahil walang pagkain. Kami ang gumagawa ng paraan kapag nauubos na ang aming papel, minsan ay nagkacutting classes upang manguha ng mga bayabas na ipampapalit sa papel ng mga kaklase, kaya makikita nila na iba iba ang hitsura ng papel ko. Pero ok lang iyon basta makapag-aral lamang. Mapalad kayo ngayon dahil well provided ng government ang mga pangangailangan sa pag-aaral, mula sa notebook, ballpen pati na ang tuition ninyo ay libre na sa ngayon.Kapag may nagtatanong sa akin noon kung ano ang gusto ko paglaki, lagi kong sinasabi gusto ko maging teacher, libre namang mangarap. Dumating ang araw ng aming graduation sa Elementarya, pinakamasayang araw dapat para sa akin, pero hindi ako nakaakyat sa stage dahil wala akong damit para sa graduation dapat kasi nakapink na bestida at nakablack shoes. Walang pambili sila papa at mama kaya nakatanaw lang ako sa stage habang tinatawag ang pangalan ko. Lalong naging malungkot ang buhay ko ng kinausap ako ng aking mga magulang na hindi na ako makapag-aral ng high school dahil hindi nila kaya ang gastos. May dumating na magandang pagkakataon dahil inalok ako ang teacher ko na paaaralin kapalit ng paninilbihan sa kanila pero hindi pumayag ang aking ama dahil baka ako lang ang makapagtapos ng pag-aaral at sisihin siya ng mga kapatid ko. Wala akong magawa kundi umiyak parang namatay na ang aking pangarap na maging guro. Hindi ko rin naman sila masisi dahil hindi rin sila napag-aral ng kanilang magulang grade 1 ang natapos ni papa samantalang si mama naman ay grade 4 lang.
Sinasabi ko sa aking sarili na hindi ako manatili sa kahirapan gagawa ako ng paraan upang makatulong sa aking mga magulang, kaya sa murang edad na 13 nagpaalam ako sa kanila na magtrabaho nalang sa ibang lugar, unang paalam ko ayaw akong payagan, sino naman daw ang tatanggap sa akin na bukod sa bata ang payat at ang liit ko pa dahil batak sa trabaho ang katawan ko, dumating ang aking tita galing ng Zamboanga City para magbakasyon, pagbalik niya sa trabaho sumama ako sa kanya at isang lingo lamang sa Zambo pinadala ako sa Manila upang mamasukan bilang katulong, nag-aalaga ako ng baby na 3 mons. Old, salamat at mabait ang aking amo itinuring akong pamilya, bagamat mura lang ang sahod start sa 1000 ok lang basta makatulong sa aking mga magulang, sa loob ng 13 yrs. na pagtatrabaho ay nabilhan ko ng lupang sakahan ang aking mga magulang, masaya ang pakiramdam kapag nakakatulong tayo sa ating mga mahal sa buhay.
Taong 2001, sa edad na 29 nakapag asawa ako ng taga Balanga, isang guapo, mabait at mapagmahal na asawa, biniyayaan kami ng isang anak na lalaki at 15 years old na siya ngayon, masaya ako at kontento sa mga pagpapala sa binigay ng Lord sa akin.
Taong 2010 may magandang balita ang dumating sa akin, may nakapagsabi na pwede kong ipagpatuloy ang aking pag-aral, sa loob lamang ng 10 mons. kapag nakapasa pwede na mag-aral ng college, biglang nabuhay ang aking pangarap, pero may pag alinlangan ang puso ko, iniisip ko matanda na ako para mag-aral, tiyak mga bata pa ang mga nag-aaral doon, hiya ang naging hadlang sa isip ko pero nanaig ang desire ko na mag-aral upang maabot ko ang aking pangarap na maging guro, salamat nalang at walang pinipiling edad ang edukasyon.
Mabilis na natapos ang 10 mons, masaya kaming nag-aaral sa ALS central sa pagtuturo ng aming mabait at masipag na guro na si Sir. Fernan Lezada, marami kaming natutunan, sa kanyang matiyagang pagtuturo halos lahat kami pumasa sa pagsusulit. Salamat Sir Fernan. God bless you!
Taong 2011 nakapagtapos kami sa Als at ako din ang pinagsalita dito sa harap, may magandang regalo sa amin ang ating former Mayor na si Joet Garcia, ang scholarhip, masayang masaya kaming lahat dahil sa wakas pwede na kami mag college. Noong kinuha ko ang aking diploma sa office ng Als kinausap ako ni Sir. Robles sinabi niya magtapos ka dahil ikaw ang kukunin naming speaker ng graduation sa Als, tatlong beses niya itong inulit, at sa araw na ito nangyari ang sinabi ni Sir, thank you sir Robles it served as a motivation sa aking pag-aaral.
Panibagong hamon ang aking haharapin, bago ako nang-aral ng college nag-usap kami ng aking asawa, may doubt na naman sa isip ko kung kakayanin ko ang college na wala akong formal education sa high school which is naroon ang foundation, my husband encouraged me, kaya mo yan luv tutulungan ka ng Lord, hindi pa ako mapanatag kaya nag cast lots kami, may sinulat akong yes and no, kapag yes tuloy ako mag-aral kapag no hindi na mag-aaral, after we pray bumunot ako at guess what? Syempre yes ang nabunot ko kasi andito ako ngayon sa inyong harapan.
Enrollment na excited na may halong kaba ang aking puso, nasa labas palang kami ng gate nagflash back sa isip ko na dati kapag dumadaan ako sa Balanga Campus nakikita ang mga nakauniform at may suot na I.D. ang ganda nilang tingnan iniisip ko kung makakapagsuot pa ako niyan at nangangarap na makapasok sa loob ng school, pero salamat Dios dahil niloob niya na makapag-aral ako, sa wakas nakapasok na ako sa loob ng school, kakaibang saya kapag ang pangarap mo ay unti unting nagaganap, kung iyong iba na magpapaenroll nanay o tatay ang kasama ako naman asawa, para akong bata palingalinga at namamangha sa paligid, tinatanong ang sarili, is this real? Natatawa nalang ang asawa ko, isa pang nakakatawa noong nasa dean office ako hinahanap niya ang anak ko na magpapa-enroll sabi ko sir ako po ang mag-aaral nangingiti siya kasi kasing edad ko lang pala ang dean namin.
Ang pag-aaral ay hindi madali para sa akin it takes a lot sacrifice, sleepless night, kung dati kumpleto ang tulog ko na 8 hours kapag nag-aaral ka halos 4 -5 hours nalang ang tulog pero okey lang iyon kailangan mai- push ang sarili to reach the goal, salamat nalang maraming ginamit ang DIOS para sa akin nariyan ang pamilya, kaibigan mga guro na tumulong sa akin na makamit ang aking pangarap. Isa sa matinding hamon sa akin ang practice teaching dito nakasalalay kung makaka graduate kami, sa Bnhs ako nag practice teaching at natuwa ako dahil hindi man ako nakapag high school sa formal school pero niloob ng Dios na makapasok ako hindi bilang student kundi isang student teacher at naging pupil ko pa ang anak ko, God is good in my life.
Taong 2017 June 14 nakagraduate ako sa kursong BSED Major in Social Studies, nakakaiyak kasi sa wakas naabot ko ang aking pangarap sa tulong ng Dios at lahat ng mga ginamit niyang tao upang maabot ko ito, hindi pa nagtapos doon kailangan naming magreview para sa let, salamat sa ating pamahalaan sa laging nakaalalay upang suportahan ang aking financial needs, masaya kami dahil mismong si Mayor pa ang nag award sa amin, thank you Mayor Francis, at noong September 24, 2017 ay sumabak ulit sa hamon ng buhay, salamat sa Dios isa ako sa nakasama sa 40% na pumasa. God is great, I feel so blessed. And I’m forever grateful to God and also sa Als na naging unang step ko upang maabot ang aking mga pangarap.
Napakaganda ng ating theme, Mag-aaral ng K-12: Handa sa hamon ng buhay, alam ko bawat isa sa atin dumanas ng failure, iba’t iba man ang ating reason but we have one thing in common, all of us failed, but remember this failure is not final, Thomas Edison 1000 times failed before he invented bulb, hindi niya tiningnan ang dami ng failures but He make it a stepping stone para magtagumpay, maraming characters sa Bible na nag fail like David, Peter, Paul pero hindi sila sumuko, tingnan natin si Manny Pacquiao dumanas din iyan ng maraming failures bago nagtagumpay sa buhay, kaya huwag mawalan ng pag-asa kapag nag fail bangon lang, kung bakit dito tayo dinala sa Als, tandaan niyo may magandang plano ang Dios sainyo, ang Als ang ating naging refuge center natin, dito muling mabuhay ang ating pag-asa, maraming salamat po sa Als sa pagtulong niyo po sa amin.
Sa bawat pangarap lakipan ng pagtitiwala sa Dios at pagtitiyaga, may kasabihan nga tayo sa Dios ang awa nasa tao ang gawa, hindi na hadlang ngayon ang kahirapan dahil libre na ang pag-aaral halos binibigay nang lahat ng ating pamahalaan, ang deped patuloy na gumagawa ng maraming paraan upang tayo’y matulungan at makapag-aral ka lamang, ang gagawin nalang ninyo ay mag-aral mabuti, ang hahamunin mo ngayon ay ang iyong sarili, sabihin mo magtatapos ako, kahit ano mang mangyari hindi ako susuko, kaya ko ito sa tulong ng Dios, magkaroon kayo ng vision 6 years from now ano ang nakikita mo saiyong sarili, anomang kurso ang pangarap mo kaya mo iyan, isipin mo lagi para ito saiyong sarili, sa mga mahal mo sa buhay, kahit mag fail ka okey lang iyan bangon at magpatuloy kasi ang sumusuko hindi nagtatagumpay pero iyong mga taong may determination kahit ilang beses madapa babangon iyan at magpapatuloy, kaya graduates congratulations sa inyong lahat, alam ko handa na kayong humarap sa hamon ng buhay sa darating na pasukan sa senior high, tandaan niyo you can do all things through Christ, siya ang tutulong sa atin, He will give you wisdom and knowledge, kaya niyo nang ma achieve ang inyong mga pangarap, kung nakaya ko na maabot ang aking pangarap kaya niyo din iyan.
Nais ko ring batiin ang ating mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kanilang mga anak, salamat sa inyong mga sakripisyo, sa mga nanay gumigising ng maaga maipaghanda ng baon at inaasikaso ang lahat ng kailangan ng mga anak, sa mga tatay na nagpapatulo ng pawis sa pagtatrabaho maitaguyog lamang ang pangangailangan ng pamilya, pagpalain kayo ng Dios. Salamat din sa inyong pag gabay sa kanilang pagharap sa panibagong hamon ng kanilang buhay sa panahon ng paghihina salamat at nakahanda kayong tumulong upang ibangon sila, bigyan ng lakas ng loob handang tanggapin, yakapin sila at sasabihan na kaya mo iyan anak nandito lamang kami na susuporta at magmamahal sayo, kaya mo iyan huwag kang susuko magpatuloy ka lang. Mga magulang ang tagumpay na tinanggap ng inyong mga anak ay tagumpay niyo rin. Congratulations to all parents.
Magtatapos ako sa isang awit na the warrior is a child remember this song everytime you face challenges in your life, kapag may problem na akala mo hindi mona kaya at naiisip mong mag give up, awitin mo lang ito make it a prayer to God nariyan siya lagi na magbibigay ng lakas at tagumpay saiyong buhay, for with God nothing is impossible! Once again congratulations to all graduates and God bless you all.