Post date: Jul 08, 2021 2:18:38 AM
Hindi maikakailang ang Edukasyon ang pundasyon para sa susunod na henerasyon. Sadyang napakahalaga ng edukasyon sa bawat isa, sapagkat dito nakasalalay ang magandang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon. Bilang isang guro, dapat ibigay natin ang ating talino, kakayahan at kasipagan sa pagtuturo. Tunay na hindi biro maging isang guro dahil kailangang isipin at isalang-alang ang mga bagay-bagay na dapat paghandaan pagdating sa pagtuturo. Hindi dahil ikaw ay isang guro, hindi ka na kakabahan kapag ikaw ay nagpakitang guro sa harap ng iyong klase. Likas lamang sa isang guro ang makaramdam ng kaba, takot at pagkalito sa simula ng pagtuturo. Ngunit kung ang guro ay may sapat na kahandaan sa kagamitang biswal at kahandaan sa sarili ay matiwasay niyang maisasakatuparan ang pagtuturo ng leksyon sa harapan ng buong klase maging sa harapan ng supervisor at maging sa kapwa guro.
Nitong buwan ng Mayo ang lahat ng guro sa Alternataive Learning System, Dibisyon ng Balanga City ay nagpakitang-turo sa kanilang kapwa guro, EPSA-II na si Ginoong Reson A. Gregori at EPS-I ALS Ginoong Ernesto T. Robles Jr. Ang lahat ay tagumpay na nairaos ang kanilang pagpapakitang turo sa ibat-ibang learning strand, at sadyang magagaling ang bawat isa sa kanilang birtuwal na pagtuturo. Makikita sa bawat isa na talagang pinaghandaan ang kanilang pagpapakitang turo dahil hindi makikitaan na may kaba, takot at pagkahiya ang bawat isa. Maging ang kanilang kagamitang biswal ay sadyang pinaghandaan at pinag-isipang mabuti kung ito ba ay aangkop sa kanilang leksyon na ituturo sa kanilang klase. Patunay lamang ito na laging handa ang bawat isa kapag sila ay nagtuturo sa kanilang mag-aaral at mahusay ang mga guro sa pakikipag sabayan sa mga makabagong pamamaraan ng pagtuturo lalo na sa kalagayan ng edusayon ngayon sa panahon ng pandemya.