Ariel C. Perrera

Post date: Jan 23, 2011 10:11:45 AM

Ako si Ariel C. Parrera, 22 taong gulang. Nakatira sa Barangay Tortugas, Balanga City. Ang aking mga magulang ay sina Victorino S. Parrera at si Julieta C. Parrera. Lima kaming magkakapatid , apat na lalaki at isang babae.

Ang trabaho noon ni tatay ay nagmamaneho ng jeep at ang aking nanay ay sa bahay lang. Sa aming magkakapatid ako lang ang nagpatuloy ng pag-aaral sa high school.

Sa kagustuhan kong maiba ang aking kapalaran kaya nagpatala ako sa Alternative Learning System (ALS) upang makatapos ng aking pag-aaral. Pinalad naman at nakapasa ako sa ibinigay na test. Kaya laking pasasalamat ko sa ALS lalo na sa aking guro na si Ma’am Wylen I. Manalansan na nagtiyagang magturo sa amin. Pagkatapos ko makapasa, pumunta ako sa Manila kung saan doon nakatira ang aking ate. Pinag-aral niya ako ng vocational course. Kumuha ako ng Computer Technician sa La Salle Greenhills at ngayon nga graduation na namin bukas, March 26, 2010.

Ito ang araw na napaka-memorable sa akin dahil sa wakas matatapos na ako. Plano ko na maghanap ng trabaho pagkatapos ko mag-aral. Dinadasal ko sa Diyos na sana matupad lahat ng mga mithiin ko sa buhay. Gusto kong umunlad at matulungan ang aking mga magulang pati na rin ang aking ate na siyang nag-paaral sa akin.

ARIEL C. PARRERA